Nakakakita tayo sa pamamagitan ng ating mata. Ang mata naman natin ay nakaka-distinguish ng kulay batay sa nare-reflect na ilaw ng bagay na ating tinitingnan. Halimbawang ang mata ay nakatingin sa pulang mansanas. Tuwing tumatama ang puting ilaw (pagsasama-sama ng mga kulay) sa pulang mansanas, ang lahat ng kulay ay ina-absorb ng mansanas maliban sa pula. Ang pula ay nare-reflect sa ating mata at sa gayon ay ito ang kulay ng mansanas na ating nakikita.
Tuwing mababasa ang isang bagay kagaya ng damit, nagiging mas dark ang kulay nito. Hindi lahat ng nare-reflect ng tuyo at basang parte ay magkapareho sa paningin ng ating mata gawa ng tubig. Ang nare-reflect ng basang parte ay mas kaunti dahil sa ang ibang ilaw ay nare-refract kung saan-saan at hindi na nare-reflect sa ating mata. Ito ang dahilan upang magmukhang dark ang kulay ng basang parte kaysa sa tuyong parte ng isang bagay.