Bagu-bago sa merkado, minatamis na yogurt. May halo daw na fiber kaya mas nakakabusog.
Ito ang Dutch Mill Delight.
Kapag yogurt drink ang pag-uusapan sa Pinas, Yakult pa rin ang number 1. Kaya hindi natin maiwasang ikumpara si Delight dito. May 400ml variant ang Delight. Malapit-lapit sa wish ng mga naghahanap ng Yakult litro.
Sana maglabas si Yakult ng bago. Sa tingin niyo? Hindi ba pwede nilang lakihan nang kaunti ang serving per bottle? Yung 80 ml ay lakihan nila at gawing 100ml kagaya ng Delight. At gawa na din sila ng Yakult variant na may fiber.
At ayun na nga, expired pa pala ang nainom ko. So far hindi naman nagloko ang aking tiyan. Malamang ay expired ito pero hindi pa naman totally napapanis.
Tip: Huwag iinom ng Delight kung may lakad o biyahe ka kinabuksan. Dahil, alam mo na…. 🙂